Manigong Bagong Taon!!!!! Maligayang Pasko rin (well, it's still technically the Christmas Season)! wala lang. andito ako, nagpapakabato sa harap ng aming payak na kompyuter. Miss ko na yung mga mga maingay na celebration sa pinas.e dito, utot lang ata ang pinakamalakas na maririning mo. matagal-tagal na rin akong di nakaka-update but not my longest yet. Ang ginawa ko lang naman sa winter vacation ko so far ay mag-chat online at maglaro ng kung anu-anong PC games. Siyempre, andyan pa rin ang paghuhugas ng plato at paglilinis ng sari-saring parte ng aming mumunting tahanan (bait ko noh?) Sinusubukan ko rin umpisahan (at tapusin) yung mga model na nakatambak sa isang kahon sa aking kwarto (at last, natapos na rin yung Fi-103 at Mitsubishi Zero!! hehe). Di ko nga lang mapinturahan kse masyadong malamig pa rito. baka sa summer na lang para mas masaya.. hehe.
Kung sa tingin nyo ay masaya ako so far, nagkakamali kayo. Ewan ko pero sa totoo lang, parang pumapasok na naman yung depressions sa katawan ko. Bad trip nga eh. malamang, dulot na naman yung ng kaboringan sa buhay ko. that's why i've been trying to keep myself busy. nare-realize ko na kelangan ko talaga ng kaibigan dito sa neighborhood. di ko kayang mabuhay ng walang kaibigan. Owell. miss ko na friends ko....
Katatapos ko lang kausapin si Michele Winslow sa telepono. she's a friend from Maryland. Sabi nya nga, para raw akong walking paradox. we came to that conclusion nung nabangggit kong gusto kong maging engineer pero ayoko ng math, ayoko ng fiction pero gusto kong maging write at kung anu-ano pang contradictions. Lalo lang lumakas ang paniniwala kong weirdo talaga ako....
astig noh?

0 Comments:
Post a Comment
<< Home